Ikinalungkot ng mga opisyal ng partidong Aksyon Demokratiko ang desisyon ni dating bise presidente Noli De Castro na umatras sa kanyang kandidatura sa pagkasenador ngunit nirerespeto nila ang desisyon niyang ito.
Ayon kay Aksyon Demokratiko chairperson Ernest Ramel, bagamat nag-withdraw si De Castro sa kanyang kandidatura, mananatili pa rin siyang miyembro ng partido.
“The former vice-president will continue to be a member of Aksyon Demokratiko and we will continue to consult with him having vast experience in public service and his dedication to the welfare of the Filipinos. We are saddened by his decision but we wish him all the best in his future endeavors,” ani Ramel.
Nagbigay rin ng pahayag si Aksyon Demokratiko president Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at sinabing nirerespeto niya nang lubos ang desisyon ni De Castro. Ani pa ni Moreno, pinagisipan at ipinagdasal ni Kabayan Noli ang desisyon na ito sa Itim na Nazareno sa Quiapo Church.
“Vice Pres. Noli has personal reasons for giving up his senatorial run, which we respect. In truth, when my team was convincing him to run once more for the Senate, he contemplated on it for a long time,” wika ni Moreno.
“We respect his decision to forego his re-entry into national politics, and wish him well because we know that he will continue to have the best interests of our people, as the Pambansang Kabayan, in his heart,” dagdag pa niya.
Sa pahayag na inilabas ni De Castro, pinasalamatan niya si Mayor Isko Moreno at ang mga bumubuo sa Aksyon Demokratiko sa tiwala at tulong na ibinigay ng partido sa kanya bilang isang miyembro.
“Nais ko pong magpasalamat kay Mayor Isko Moreno at sa mga bumubuo ng Aksyon Demokratiko sa ibinigay na tiwala at tulong sa akin sa unang araw pa lamang na maging miyembro ako ng Partido. Maraming salamat po,” sinabi ni De Castro.
Ayon pa kay De Castro, patuloy siyang maglilingkod sa sambayanang Pilipino bilang isang broadcast journalist, “Patuloy tayong magiging boses ng ating mga kababayan, lalo na sa panahong katulad nito na ang boses na iyon ay nalulunod sa ingay ng pulitika at paggamit ng kapangyarihan para sa sariling interes ng iilan.”
(By: Aj Lanzaderas Avila)
