Share:

Sinabi ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na bukas siya sa pagamyenda ng 1987 Constitution kung mauupong presidente, ngunit ayon sa alkalde, mas pagtutuunan niya ng pansin ang pandemya na kinakaharap ng bansa.

“Focus on the task ahead. We may amend our laws. I’m okay. Okay ako diyan. Anything that will develop our laws that addresses the situation of our people, go ako dyan,” ani Moreno sa isang interview kay Marichu Villanueva.

“For the meantime, how do we address life and livelihood? How do we move forward with normalcy? Doon ako nakafocus. Focus natin, tao muna,” dagdag pa niya.

Ayon kay Moreno, foreign ownership restrictions at economic liberalization ang dapat bigyang importansya kung sakaling magkakaroon ng constitutional reform. Sinabi rin ng alkalde na ikinalulungkot niya ang kasalukuyang sitwasyon sa manufacturing sector at ang kawalan ng kakayahan na lubusang magamit ang masaganang likas na yaman ng bansa.

Subalit ani Moreno, bago magkaroon ng pagbabago sa batas, nais niya munang maibalik ang kumpiyansa ng international community at foreign investors sa industriya ng bansa.

“Tingin ko, we have to win back the impression ng ating bansa, na pagkatiwalaan tayong muli,” wika ng alkalde.

“We will not change our rules in the middle of the ball game,” dagdag pa niya.

(By: Aj Lanzaderas Avila)

Leave a Reply