By Christian Dee

MAYNILA – Naglabas ng abiso ang Department of Migrant Workers noong Miyerkoles, Pebrero 8, para matulungan ang overseas Filipino workers (OFWs) na naapektuhan ng pagyanig sa Turkey.

Sa inilabas na abiso ng ahensya, inatasan ng DMW ang lahat ng Private Recruitment Agencies (PRAs) at ang mga Licensed Manning Agencies (LMAs) na ipagpatuloy ang mabuting pagsusubaybay sa sitawasyon ng mga OFW.

Nakasaad din sa abiso na inatasan din ng DMW ang mga naturang ahensya na bigyan  ang mga apektadong OFW ng mga kinakailangang tulong.

“All concerned PRAs and LMAs are further directed to coordinate with the Migrant Workers Office in Lebanon and submit the necessary report to the Department pertaining to the affected workers at the soonest possible time,” saad sa DMW Advisory No. 04, Series of 2023.

“Any form of humanitarian assistance extended to OFW earthquake victims and their families shall be deeply appreciated,” dagdag pa nito.

Kasalukuyan nang nasa Turkey ang rescue team na ipinadala ng Pilipinas para magsagawa ng rescue operations at iba pang mga tulong, gaya ng atensyong medikal at relief operations.

Nasa mahigit 15,000 na ang kabuuang bilang ng mga namatay dahilan ang 7.8 magnitude na lindol sa Turkey at Syria noong Lunes, Pebrero 6.

Leave a Reply