Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Sinabi ni Turkish Ambassador to the Philippines Niyazi Akyol na mahigit 60 na ang mga bansang nagpapaabot ng kanilang tulong para sa Turkey matapos yanigin ito ng malakas na lindol.

Aniya, kabilang ang Pilipinas sa mga nagpapadala na ng tulong para magsagawa ng search and rescue operations, pati ang atensyong medikal para sa mga nangangailangan.

“Right now, 66 countries actually extended their assistance to us with over 3,000 aid personnel from those countries,” aniya sa ABS-CBN News Channel.

“Their search and rescue, and medical aid personnel, including the Philippines, are now in the region,” dagdag pa niya.

Nagpapasalamat naman ang naturang ambassador para sa mga tulong na ipinapaabot mula sa mga iba’t ibang bansa, kasama ang Pilipinas.

“We are very grateful for the assistance of the international community and of course we are very grateful to the Philippines for the generous assistance at this difficult time of need extended to us,” ani Akyol.

Nitong Huwebes, lagpas 15,000 na ang naitalang patay sa nangyaring pagyanig sa Turkey at Syria, habang inaasahan pa rin ang pagtaas nito kaugnay ng isinasagawang search and rescue operations.

Noong 1939, tumama rin ang pinakamalubhang lindol na naranasan sa Turkey kung saan nasa 33,000 katao ang mga namatay.

Noong 1999 naman, umabot sa mahigit 17,000 katao ang sumakabilang-buhay matapos ang 7.4 magnitude na lindol.

Leave a Reply