Share:

Nagpadala ang Department of Health (DOH) sa Zamboanga del Sur ng 3,800 doses ng COVID-19 vaccines para bigyang-daan ang public health frontline workers ng probinsya na ipagpatuloy ang pagbabakuna apat na araw matapos masunog ang halos 150,000 doses na nakaimbak sa loob ng Integrated Provincial Health Office sa Pagadian City .

Ayon kay Dr. Anatalio Cagampang Jr., Zamboanga del Sur provincial health officer at concurrent hospital chief ng Zamboanga del Sur Medical Center, nagpadala ang DOH ng 3,000 Sinovac vaccine doses at 800 Astrazeneca doses kaagad pagkatapos ng sunog. Inaasahan ng mga lokal na opisyal ang karagdagang doses ng bakuna na ipapadala ng DOH sa Zamboanga del Sur.

Sinabi rin ni Cagampang na ang paglulunsad ng pagbabakuna para sa mga batang may edad na 12 at 17 taon ay kailangang maghintay hanggang sa susunod na linggo. (By: Frances Pio)

Leave a Reply