By Christian Dee
MAYNILA – Ayon sa Department of Justice (DOJ), umabot sa 21 ang bilang ng mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) workers pa ang pinabalik sa kanilang bansa nitong Miyerkoles, Nobyembre 2.
Sinabi ng ahensya na ito ay karagdagan sa naunang anim na offshore gaming workers na napauwi noong ika-19 ng Oktubre.
“The continuous deportation operation is poised to implement the government’s policy to crackdown on the illegally operating POGO companies who no longer give any benefit to the government and who instead have been the source of criminal activities,” saad ng DOJ.
Matatandaang bumaba ang noong bilyun-bilyong inaano ng pamahalaan sa kita ng POGO.
Samantala, ang kalihim ng Department of Finance na si Benjamin Diokno, iba pang mga opisyal ng bansa at ilang mga negosyante ay isinusulong ang pagpapaalis ng POGO sa bansa dahil sa pagtaas ng mga krimeng kaugnay ito.
Sabi ng ahensya, kahit bumaba ang mga krimen na nauugnay sa POGO, hindi pa rin ito makakapampante.
“We will remain consistent and focused on our aim to end the illegal POGO industry,” pahayag ng DOJ.