By Christian Dee
MAYNILA – Nitong Huwebes, Nobyembre 3, sinabi ni Lt. Col. Christian Alucod, na nalapnos ang balat ng isa sa mga nabiktima sa pagsabog sa isang pagawaan ng paputok sa Sta. Maria, Bulacan.
Apat naman ang naiulat na dinala sa ospital dulot ng insidente sa nasabing lugar.
Tinitiyak pa ng pulisya ang iba pang sugatan kasunod ng pangyayaring pagsabog ng naturang pabrika nitong ala-1 ng hapon.
Batid din ni Alucod na walang permit ang nasabing pagawaan para mag-operate.
Suspendido naman ang klase ng isang pampublikong paaralan malapit sa pabrika dala ng insidente para sa kaligtasan ng mga estudyante.
Nang mangyari ang pagsabog, agad pinalabas mula sa school grounds ang mga mag-aaral ayon sa information coordinator ng school na si Guilbert Dela Cruz-Segurado.
Wala namang naitalang apektadong estudyante, guro o pamunuan ng paaralan mula sa pangyayari.