Share:

By: Jude Sagun

MANILA, Philippines — Masayang inanusyo ng Youtube celebrity couple na sina Cong TV at Viy Rodriguez ang kanilang engagement. 

Viral kaagad ang nakakakilig na Facebook photo ni Cortez habang ipinapakita ang kanyang engagement ring at hinahalikan ang kanyang “groom-to-be.” 

Ani Cortez sa kanyang caption, “Yes love! Una palang alam ko na ikaw ang magiging asawa ko!” 

Ibinahagi rin ni Cong sa kanyang Youtube vlog na niyaya niya na ng kasal ang long-time girlfriend sa kanyang kaarawan noong October 28. Anya, birthday wish niya ang engagement kay Viy. 

 “Solid kasi naging sandalan kita sa mga pinakamahirap na parte ng buhay ko at salamat sa Diyos na ikaw ang kasama ko ngayon sa mga pinakamasasarap na parte. Swerte ko kasi sa ‘yo ko kailangan tanungin ‘yung, ‘Will you marry me?’”

Noong Hulyo lamang nang isilang ang kanilang panganay na si “Kidlat,” at Oktubre nang pabinyagan na nila ito. Sina James Reid at Donalyn Bartolome ang ilan sa mga bigating celebrities ang tumayong ninong at ninang ni Kidlat. 

Leave a Reply