Sa naganap na SONA kahapon ng Presidente ay nabanggit niya ang isyu patungkol sa West Philippines Sea na patuloy na pinag aagawan ng ating bansa at ng bansang China.
Nagbigay naman ng pahayag si Retired Supreme Court Senior Associate Antonio Carpio na hindi paraan ang pagdedeklara ng gyera upang mapasa atin ang West Philippine Sea dahil di umano kahit ang ibang bansa sa Asya na mayroon ding pinagaagawan na teritoryo ay hindi kailanman nagkaroon ng gyera.
Ani ng Pangulo sa kanyang SONA ay patuloy na gumagawa ng paraan ang administrasyon at pamahalaan upang maprotektahan ang karapatan natin sa West Philippine Sea.
Dagdag pa niya ang bansang China ay mayroong posesyon sa nasabing teritorya kaya patuloy nilang inaangkin ito, “We have to go to war. And I cannot afford it. Maybe some other president can but I cannot. Inutil ako diyan, sabihin ko sa inyo, and we are willing to admit it.” ani ng Pangulo.
Sinagot naman ito ni Carpio na hindi masasabi na may posesyon ang China sa West Philippine Sea dahil sila ay may karapatan din dito sapagkat ito ay sakop sa kanilang EEZ.