Share:

Tinanggihan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar ang panawagan na siya ay tumakbo bilang senador. Nitong Huwebes, Setyembre 23, 2021, sa press briefing sa Camp Crame pinahayag ni Eleazar na nais niyang tumutok sa kanyang trabaho hanggang sa magretiro.

“Ako po maikli na lang ang aking panunungkulan, less than two months na lang, so hayaan niyo po na ipagpapatuloy ko ito hanggang sa makarating ako sa retirement ko sa November 13,” ayon kay Eleazar.

Nakatakdang magretiro sa edad na 56 si Eleazar. Nais niyang tumutok sa trabaho sa natitirang panahon na mayroon siya sa pwesto. Tinanggihan nya ang panawagan ng dating alkalde ng Mulanay, Quezon na si Tito Ojida at ng mga kasama nito. Kahit iginiit ni Ojida na, “He is best suited for the position”. (By: Frances Pio)

Leave a Reply