Mariing kinondena ng BARMM Parliament ang nangyari karahasan sa Marawi City at Datu Piang sa Maguindanao na kinasawi ng mga inosenteng buhay. Nagpasa ng dalawang resolusyon ang Parliament upang itaguyod at protektahan ang karapatan ng mga biktima.
Noong nakaraang Setyembre 14, binaril ng hindi pa nakikilalang mga lalaki ang dalawang estudyante sa loob ng Mindanao State University (MSU) – Marawi Campus. Ang mga biktima ay sina Hamza Rauf, 25, physical education student, at Omar Zinal, 23, engineering student, na binaril habang naglalakad pabalik sa kanilang boarding house.
Makalipas naman ang apat na araw mula sa pamamaril, Setyembre 18, may pagsabog na naganap sa Datu Piang gamit ang isang improvised bomb na target ang ilang miyembro ng LGBTQ+ habang naglalaro ng volleyball sa covered court. Walo ang sugatan at isa naman ang namatay kalaunan.
Ayon kay Susan Ayatin, miyembro ng Bangsamoro Parliament at isa sa may akada ng resolution, na dapat mahinto ang mga karahasang may kinalaman sa hate crimes. Ayon kay Ayatin, kahit anong kasiraan,“Must be given protection and must feel protected by the community and the government.” ( By: Frances Pio)