Share:

By Frances Pio

––

Wala na sa Philippine Area of Responsibility ang Severe Tropical Storm Florita (Ma-on), ngunit nanatili ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa bahagi ng Northern Luzon nitong Miyerkules ng umaga.

Huling namataan ang sentro ng tropical cyclone sa layong 335 kilometro sa kanluran ng Calayan, Cagayan na may lakas ng hangin na 95 kph at pagbugsong aabot sa 115 kph. Ito ay patungo sa kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 30 kph.

Itinaas ng pag-asa ang Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar.

Batanes
Babuyan Islands
Western portion ng mainland Cagayan (Claveria, Santa Praxedes, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Allacapan, Aparri, Lasam, Santo Niño, Rizal)
Apayao
Abra
Western portion ng Kalinga (Balbalan, Pasil, Tinglayan)
Western portion ng Mountain Province (Bauko, Tadian, Besao, Sagada, Sabangan, Bontoc, Sadanga)
Northern at western portions ng Benguet (Mankayan, Bakun, Kibungan, Kapangan, Tublay, La Trinidad, Sablan, Tuba, Baguio City, Atok)
Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union

Inaasahang alakas na hangin ang mararanasan sa mga lugar sa ilalim ng Signal No. 1.

Leave a Reply