Share:

By Frances Pio

––

Nagsampa si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon nitong Martes sa Quezon City Prosecution Office ng kasong libel at unjust vexation laban kay Ronald Cardema, ang kasalukuyang tagapangulo ng National Youth Commission na nadiskuwalipika rin bilang kinatawan ng Duterte Youth party list noong 2019.

“I am filing a complaint for libel and against Ronald Cardema, who is a government official… I also filed a complaint against him for unjust vexation,” ayon kay Guanzon sa isang Facebook post.

Hiningan ng komento si Cardema tungkol sa kasong sinampa laban sa kanya, ngunit hindi nagbigay ng pahayag.

Binatikos ang Duterte Youth dahil sa ilang late substitutions pagkatapos ng halalan noong Mayo 2019.

Si Cardema ay pumalit bilang top nominee ng Duterte Youth ngunit kalaunan ay nadiskwalipika dahil sa pagiging hindi kwalipikado dahil sa kanyang edad.

Bilang commissioner, tinutulan ni Guanzon si Cardema bilang substitute nominee.

Naupo rin si Guanzon bilang first nominee ng nanalong party-list group na P3PWD sa pamamagitan ng substitution.

“Whether Cardema likes it or not, I will be a congresswoman,” ika ni Guanzon.

Leave a Reply