Share:

Pinabulaanan ni Sen. Richard Gordon ang sinabi ng Presidente sa Philippine Red Cross na ‘di umano ay mukhang pera ang ahensya.

Matatandaan na sinabi ng Pangulo sa kanyang pagharap sa publiko na “mukhang pera” ang ahensya matapos ipahinto nito ang Covid-19 testing dahil sa malaki na ang utang ng pamahalaan sa PRC.

“I’ll give him (Duterte) the benefit of the doubt. Baka naman ang tinutukoy n’ya ‘yung talagang nagsamantala nung hindi kami nag-test kasi ang baba ng test namin, ‘yung halaga,” ani ni Gordon sa panayam sa kanya ng ABS-CBN’s Teleradyo.

Pinatigil ng PRC ang Covid testing noong kalagitnaan ng buwan ng Oktubre dahil nga sa malaking halaga na hindi pa nababayaran sa kanila ng pamahalaan at dahil din sa isyu na kinaharap ng Philhealth. Ngunit, ibinalik rin ito matapos makapag bigay ng partial payment ang gobyerno.

Sa kasalukuyan ay mayroon pa ring P377 milyon na utang ang Philhealth sa PRC ayon kay Gordon.

Leave a Reply