Share:

Pinaalalahanan ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang publiko na huwag magpaapekto sa isyu ng mga politiko sa isa’t-isa ngayong papalapit na eleksyon at magpokus lang sa totoong isyu na kinakaharap ng bansa.

“Mga kababayan, tibayan ninyo ang inyong mga kalooban. Patatagin ninyo ang inyong mga damdamin. Lahat ng smokescreen gagawin sa atin para lumabo ang paningin natin,” wika ni Moreno sa Kapihan sa Manila Bay weekly news forum. 

Ayon kay Moreno, ang totoong kalaban ay ang pandemya na kasalukuyang kinakaharap ng bansa.

“But then again, kwidaw (beware). Mag-ingat, mag-siyasat, kasi lilituhun tayo mga kababayan (Be careful, investigate, because they will try to confuse us),” ani Moreno.

“I did not run because galit ako kung kaninuman. I decided to run to offer my services in my own little way, my experience in managing things and how to work with everyone, with anybody immaterial of their colors,” dagdag pa niya.

Ani Mayor Isko Moreno, ibibigay niya sa mga Pilipino ang serbisyo na ibinigay niya sa mga residente ng Maynila, lalong-lalo na sa pagsugpo sa Covid-19, at sa pagpapabuti ng buhay ng bawat mamamayan.

“And if I can share this type of attitude, these type of ideas to the entire country, I will be happy to do so. And hopefully bigyan niyo ako ng pagkakataon na yun (you will give me that opportunity),” ayon pa sa alkalde.

Sinabi rin ni Moreno sa Kapihan sa Manila Bay weekly news forum na ipagpapatuloy niya ang pagsugpo sa kriminalidad at korapsyon sa bansa na walang nilalabag na batas o karapatan.

“Let me assure you again, those who failed us, those who committed crimes, abuse, corruption, they cannot escape the long arm of the law. We’ll go after them under the rule of law,” ani Moreno.

Humingi rin ng paumanhin ang alkalde sa mga taong maaaring may sama ng loob dahil sa kanyang “real talk” attitude.

“Then again, if I offended you of being honest and true to my dreams and aspirations in life, I am sorry. I didn’t mean to offend anybody. I am just being me and real; and truth hurts. Real talks matter, results matter,” wika ng alkalde.

Pinaalalahanan din ni Moreno ang mga tao na pagisipang mabuti ang pagpili ng mga kandidato sa darating na Halalan 2022.

(By: Aj Lanzaderas Avila)

Leave a Reply