Share:

Magsisimula na ang ikalawang taon ng distancing learning sa mga public school sa bansa. Ngayong Lunes, Setyembre 13, 2021, balik eskwela na ang milyon-milyong estudyante sa kanilang pag-aaral na isang malaking pagsubok para sa karamihan. Hindi pa rin pinahihintulutan ang face-to-face classes sa bansa dahil sa patuloy na COVID-19 surge.

Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, kanilang inaasahan na magiging matiwasay at maayos ang pagbubukas ng eskwela, dahil hindi ito ang unang taon ng bansa na magsasagawa ng distance learning.

“Last year was about dry runs, uncertainty, how the learning delivery will happen. But this year, our parents [and] teachers have had one year of experience about it,” ayon kay Usec. Malaluan. Ngayong taon gagamit pa rin ang mga estudyante ng printed at digital modules para sa pag-aaral, mga klaseng isasagawa online, at araling ipapalabas sa radio at television.

Leave a Reply