Ang Philippine Red Cross (PRC) at ang International Committee of the Red Cross (ICRC) kamakailan lang ay nagbukas ng Bakuna Center sa Lungsod ng Davao upang bakunahan ang mga residente ng Lungsod at mga karatig na lugar.
Ang bagong Bakuna Center ng PRC ay matatagpuan sa loob Archdiocese Compound of Davao City, ito ang ikatlong Bakuna Center sa Mindanao na itinayo ng PRC.
“Despite the ongoing surge of cases, the Red Cross will continue to expand our Bakuna Buses and Bakuna Centers as we aim to reach out to more Filipinos,” pahayag ni PRC Chairman at Chief Executive Officer (CEO) Senator Richard Gordon nitong Linggo Setyembre 12.