By Frances Pio
––
Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nilalayon nito na sa unang bahagi ng Hulyo na maipamahagi ang ikalawang tranche ng fuel subsidy para sa mga driver at operator ng mga pampublikong sasakyan na nahihirapan dahil sa pagtaas ng presyong petrolyo.
Ito ay ilang araw matapos aprubahan din ng LTFRB ang provisional P1 fare hike na inihain ng mga grupong kumakatawan sa mga jeepney driver, na nangangahulugang nasa P10 na ang pamasahe sa mga jeepney.
“We’re targeting early July. However, it would also depend on how fast [Department of Budget and Management] can download the funds to us,” sinabi ni LTFRB Executive Director Tina Cassion.
“Kasalukuyang inihahanda ng LTFRB ang lahat ng documentary requirements para sa pagpapalabas ng second tranche,” dagdag pa niya.
Kanya ring sinabi na ang LTFRB ay sinigurado na ang proseso sa pag-avail ng subsidy ay mas mabilis para sa ikalawang tranche dahil ang lahat ng mga card ay nagawa na ng LBP.
Ayon sa datos ng LTFRB na ibinahagi ni Cassion, lahat ng 264,578 na benepisyaryo — na lahat ay nasa ilalim ng LTFRB-regulated modes — ay dapat na nakatanggap ng kanilang ibinahaging subsidiya sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines. Ang pag-credit sa account ng mga benepisyaryo ay sa pamamagitan ng top-up method, aniya rin.
Iniulat din ng LTFRB na sa 27,777 benepisyaryo na pinangasiwaan ng Department of Trade and Industry; 5,260 na transaksyon ang hindi nasagawa dahil sa invalid na GCash at PayMaya accounts habang 22,517 distribution sa Land Bank ang matagumpay.