By Frances Pio
––
Ang P206.3-million discrepancy na nakita ng Commission on Audit (COA) sa ari-arian at kagamitan ng Philippine Information Agency (PIA) ay hindi nangangahulugang nawala o ninakaw, Sinabi ng isang opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) nitong Huwebes.
Sinabi ni PCOO Undersecretary Kristian Ablan na nasagot ng PIA ang obserbasyon ng COA, na ipinaliwanag na hindi maaaring i-reconcile ng ahensya ang listahan ng kanilang mga ari-arian at kagamitan sa aktwal na imbentaryo.
“Hindi naman ibig sabihin ay nawawala ‘yan. These are all office supplies, property saka equipment. Ang explanation natin diyan, ng PIA, hindi lang nila ma-reconcile ‘yung listahan nila ng property saka equipment at saka yung actual,” ika niya.
“Most of these na hindi ma-locate ay office equipment, hindi ibig sabihin ay ninakaw na ‘yun o wala,” sinabi ni Ablan.
Binanggit ni Ablan ang malaking bilang ng mga tanggapan ng PIA — 70 panlalawigan at 60 panrehiyon — ay isang malaking hamon na bisitahin bawat isa para sa imbentaryo.
Sinabi rin niya na ang mga gumagamit ng kagamitan — mga laptop at cellphone — ay karamihan ay mga field personnel at lagi nilang bitbit ang mga kagamitan.
“Mayroon kasing mga accountable officers niyan na hindi lang ma-reach, malamang pag nag-auudit sila ‘yung mga tao namin nasa field, syempre dala nila computer, laptop, mobile phones,” ika ni Ablan.
Nangako aniya ang PIA na susundin ang rekomendasyon ng COA para matiyak na accounted ang mga kagamitan.
“Mayroon namang recommendation ang COA at sabi naman ng PIA gagawin naman nila ‘yun, which is to ensure na kung sino ‘yung taong responsible doon sa mga equipment na ‘yun, upuan o la mesa o computer, ay talagang hindi siya makakalabas ng serbisyo na hindi niya binabalik ‘yun,” sinabi ni Ablan.