By Christian Dee
MAYNILA – Nitong Miyerkoles, Enero 4, sinabi ng Department of Health na mayroong walong (8) Pilipino na hindi bakunado at nagmula sa bansang China na nag-positibo sa COVID-19 pagdating sa bansa simula Disyembre 27 hanggang Enero 2.
Ang naitalang bilang ng mga nag-positibong Pilipino ay base sa huling ulat mula sa Bureau of Quarantine.
“Based on the latest reports from the Bureau of Quarantine (BOQ) there were eight (8) unvaccinated Filipinos who arrived in the Philippines from China from December 27, 2022 to January 2, 2023, who tested positive for COVID-19 upon arrival at Ninoy Aquino International Airport via antigen test,” anang DOH sa mga mamamahayag.
Dumaan din sa confirmatory RT-PCR test ang naturang mga Pilipino noong Disyembre 31. at nakumpirmang positibo sa COVID-19 ang mga ito.
Matapos makumpirma, inilagay sa ilalim ng isolation ang mag nag-positibo ayon sa ahensya.
“The individuals are currently under isolation and have undergone confirmatory RT-PCR testing on December 31, 2022 with positive results, the department will continue to monitor developments on the matter,” sabi ng DOH.
Ito ay sa kabila ng COVID-19 surge na nararanasan ng bansang China sa kasalukuyan.