By Christian Dee
MAYNILA – Pansamantalang isasara ang ilang mga kalsada sa Metro Manila ngayong weekend, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa anunsyo ng MMDA, sinabi nito na magsasagawa ng road reblocking and repairs ang Department of Public Works and Highways simula alas-11 ng gabi ng Biyernes, March 17, hanggang Lunes, March 20.
Ang mga isasarang kalsada, ayon sa MMDA, ay ang mga sumusunod:
1. EDSA Northbound (innermost lane) between Ayala Avenue and Buendia Avenue, Makati City
2. EDSA Northbound Mahal Kita Hotel to Taft Avenue
3. C-5 Service Road, Bagong Ilog infront of M.I.H. Building, Pasig City
4. C-5 Road between Lanuza and Canley Road, Pasig City
5. Commonwealth Avenue 1st lane from MRT 7
Maari namang daanan na ang naturang mga daang naapektuhan sa alas-5 ng umaga sa Lunes, Marso 20.
Abiso ng MMDA, dumaan muna sa mga alternatibong ruta.