By Christian Dee
MAYNILA – Sinabi ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) na nakikipagtulungan na ang sangay nitong Smart Communications sa National Telecommunications Commission (NTC) para sa pagpapatupad ng unang batas sa ilalim ng administrasyong Marcos na SIM registration law.
Matatandaang ipinasa ang batas sa kadahilanang talamak ang mga text scams na natatanggap ng maraming tao sa kanilang mga mobile numbers.
Ani SVP and Head of Consumer Business Group – Individual at Smart, Francis Flores, nais ng Smart na siguraduhing magiging madali ang implementasyon ng nasabing batas.
“It is the paramount interest of Smart to ensure that the implementation of the SIM Registration Law will be easy and convenient for subscribers and will not deprive subscribers of their right to connectivity,” ani Flores.
Bukod dito, sa pamamagitan ng pagharang sa mga numerong nagpapadala ng mga scam, patuloy na pinoprotektahan ng Smart ang mga subscribers nito mula sa mga panloloko.