Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Dala ng malalakas na pag-ulan sa bansa dulot ng bagyong Paeng, itinigil na ang biyahe ng mga barko sa Batangas port bago mag-alas-11 ng umaga.

Isinara ng Philippine Ports Authority ang gate ng pier at itinigil ang pagbebenta ng tiket ng 11 a.m. kasabay ang pag-alis ng huling biyahe ng mga barko patungong Mindoro.

Pababalikin natin sila sa kanilang point of origin,” ani Joselito Sinocruz, port manager, kung mayroong mga pasahero pang darating.

Ayon kay Sinocruz, pakikiusapan nito ang lokal na pamahalaan kung maaring patuluyin sa evacuation center ang mga pasaherong dumating sa pier matapos itigil ang mga biyahe.

Makikiusap tayo mayron naman tayo coordination sa local na pamahalaan, mayroon silang evacuation center kung maari nilang i-accommodate,” aniya.

Para naman sa kaligtasan ng mga empleyado ng nasabing port, pinaalis na rin ang mga ito dulot ng inaasahang pagtama ng bagyo.

Leave a Reply