Share:

Hinikayat ng World Health Organization (WHO) ang gobyerno na busisiin ng mabuti ang pagresponde sa mga maaring gawin upang puksain ang paglaganap ng Covid19.

Sa isang panayaman kasama ang WHO Representative na si Dr. Rabindra Abeyasinghe na ang pagsasagawa ng maagang contact tracing, lockdown at quarantine ay naging epektibo sa ibang mga bansa upang mabawasan ang paglaganap ng covid19.

Ayon sa WHO, bukod sa bakuna maraming paraan upang maiwasan ang pagtaas ng mga kaso sa bansa.

Importante din umano na higpitan ang pagpapatupad ng mga patakaran na mas maaring makatulong sa pagliit ng bilang sa mga lugar na tumataas ang dami ng pasyente.

Sa ngayon karamihan sa mga ospital sa Metro Manila ay hindi na kinakaya ang dami ng kailangan iadmit.  

Leave a Reply