Ipinaalam ng imigrasyon ng Korea sa embahada ng Pilipinas sa Seoul ang tungkol sa bagong visa rule na magkakaron na ipatutupad sa Hulyo 1, 2021 na inoobliga sa visa extension na maaari lamang i-apply sa mga valid passport— mga passort na hindi expired at may valid date.
Ang halimbawa na binigay ng embahado ay kunwari ang isang tao ay karapat-dapat sa dalawang taong ekstensyon, kapag ang kanyang passport ay valid na lamang ng anim na buwan, ang haba ng pananatili nito ay magkakaron ng anim na buwang ekstensyon lamang.
Ibinalita na ang mga hindi makakapag-renew ng kanilang mga passport ay magkakaroon na lamang ng visa extension hanggang nitong darating na Disyembre 2021.
Susunod sa pagre-renew ng kanilang mga passport, ang mga dayuhan sa Korea ay kinakailangang lumapit sa pinakamalapit na Immigration Office sa loob ng 15 araw para maiwasan ang kaukulang parusa.