Umabot na sa 30,000 katao ang mga lumabag sa pinapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga karatig nitong probinsya, ayon sa Philippine National Police.
Ang mga walang suot na face mask, face shield at hindi sumusunod sa social distancing ay kabilang di umano sa mga ‘violators’ na ito ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana. Gayundin ang mga nahuling nagiinuman at nagsasabong sa pampublikong lugar.
“In general, what we have to ensure is that the people are compliant with the minimum health and safety protocols, social distancing included. That’s the reason out of our efforts, there are about 30,000 violators have already been caught,” ani ni Usana.
Pinaalalahanan niya rin ang mga kapulisan na ang mga lalabag sa patakaran ay hindi kinakailangan arestuhin at dapat bigyan lamang ng babala at karampatang parusa na naaayon sa lokal na pamahalaan.
