By: Jen Lopez
Pumatak ng 4.9% ang inflation rate sa bansa ngayong Abril na sinasabing pinakamataas na porsyentong inabot magmula noong Enero 2019.
Dahil ito sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo at kuryente na nakakaapekto rin sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ang huling datos mula sa Philippine Statistics Authority kahapon ng Huwebes ay tumaas ng 0.9% mula sa 4% na naitala noong Marso.
Ito rin umano ang kauna-unahang biglaang pagtaaas ng inflation rate kumpara sa inaasahan ng gobyerno na 2% hanggang 4%.
Kung matatandaan ang huling beses na nagtaas ang inflation rate sa bansa ay noong nakaraang taon-2021- na pumatak sa 4.2%.
Sa kabilang banda, ang transport inflation ay tumaas rin ng 13% mula 10.3% magsimula noong tumaas ng hanggang 83.7% ang presyo ng diesel at 43% sa gasolina.
