Sa gitna ng pagbaba ng bilang ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19), hindi na magiging option ang home isolation para sa mga pasyenteng may mild symptoms o asymptomatic ayon sa Davao City COVID-19 Task Force.

Sa isang pahayag na inilabas ng City Information Office noong Biyernes, Nob. 5, sinabi ni Dr. Michelle Schlosser, tagapagsalita ng Davao City COVID-19 Task Force simula Nob. 3, hindi na inilalagay ng lungsod ang mga pasyente sa ilalim ng home isolation at sa halip ay pinapapasok na sa Temporary Treatment and Monitoring Facility (TTMF).

“Ipa-complete nalang natin ‘yong currently naka-home isolation (Those who are currently in home isolation will just have to complete their quarantine days),” ayon kay Schlosser.

Noong Setyembre, pinahintulutan ng Davao City COVID-19 Task Force ang home isolation para sa mga pasyenteng positibo sa COVID-19 na i-decongest ang TTMF sa lungsod at tumulong na unahin ang mga pasyenteng may malubhang kaso.

“Currently, we are not anymore within the surge. Wala na tayong surge so therefore, wala ng reason para mag-home isolation because we have enough number of COVID beds,” sabi ni Schlosser. (By: Frances Pio)

Leave a Reply