Si Mayor Isko Moreno ay nagpahayag na kung mananalo ay hindi siya gagawa ng kahit anong hakbang para proteksyonan ang Pangulo. Kanyang pahihintulutan ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) tungkol sa Drug War.
Ayon kay Moreno, hindi niya pipigilan ang mga imbestigasyong isasagawa sa loob ng bansa na may kinalaman sa Drug War ni Duterte na kumitil ng libu-libong buhay.
“I will not prevent anything. Rule of law will be observed under my watch. Why not? If there’s nothing to hide, anyway they’re just investigating. It doesn’t mean you’re guilty or not,” ayon kay Moreno sa isang panayam nitong Biyernes ng umaga.
“Wala namang pag-cocover, hindi para proteksyunan. Rule of law will be observed. Every citizen can afford any provision of the Constituiton as matter of right. I will not lift a finger, magcover or tumulong, either way or mag-diin, diinan, yung paghigantihan na naman,” dagdag pa nya. (By: Frances Pio)