Share:

Sinimulan ng pamahalaan ng Davao City ang pagbabakuna sa gabi. Ito ay upang maabot ang herd immunity pagdating ng Nobyembre.

Isinagawa ang pilot-testing sa Davao City ng Huwebes at Biyernes, Setyembre 23 at 24, sa San Roque Elementary School na nagsimula ng 5 p.m. hanggang 8 p.m.

Kapag operational na, papayagan ang walk-in na gustong magpabakuna sa gabi. Kailangan lang magdala ng valid ID, personal Safe Davao QR (DQR) Code, at sariling ballpen para sa pagrerehistro.

Leave a Reply