By Christian Dee

MAYNILA – Babalik sa Pilipinas ang K-pop girl group na ITZY sa darating na Abril, ayon sa Bench, clothing brand na ini-endorso ng grupo.

Ang pagbabalik sa bansa ng naturang grupo na binubuo nina Yeji, Lia, Ryujin, Chaeryeong, at Yuna, ay para sa fan meet na gaganapin sa darating na Abril 26, 2023 sa Mall of Asia Arena, ayon sa brand.

Nag-post sa Twitter ang Bench para sa detalye ng magaganap na pakikipagkita sa mga tagahanga ng ITZY kalakip ang isang teaser video.

“Our #GlobalBENCHSetter, @ITZYofficial, is super excited to meet their fans at the Mall of Asia Arena on April 16, 2023. Watch out for more updates,” saad ng Bench sa kanilang ipinaskil.

Matatandaang nagtanghal na rin ang grupo sa MOA Arena nang dalawang gabi bilang bahagi ng kanilang “Checkmate” world tour.

Hindi pa nababanggit ang mga detalye sa ticket.

Leave a Reply