By Frances Pio
––
Ibinunyag ng Canadian pop singer na si Justin Bieber noong Biyernes na siya ay na-diagnose na may virus na nagparalisa sa kalahati ng kanyang mukha dahilan kung bakit napilitan siyang kanselahin ang ilang paparating na concerts upang tumutok sa pagpapagaling.
Sa isang video sa Instagram, sinabi ni Bieber na nagkaroon siya ng Ramsay Hunt syndrome, na nakaapekto sa mga ugat sa kanyang tainga at mukha. Napansin niya na ang kanyang kanang mata ay hindi kumukurap, idinagdag pa na “I can’t smile on this side of my face. This nostril will not move. So there’s full paralysis on this side of my face.”
Sinabi ni Bieber, 28, hindi niya magagawang magtanghal sa kanyang mga paparating na events dahil nagsasagawa siya ng facial exercises at inaasahang gagaling.
“It will go back to normal, it’s just time, and we don’t know how much time that’s going to be,” sinabi ni Justin Bieber.