By Frances Pio

Ang kandidato sa pagkapangulo at pinuno ng manggagawa na si Ka Leody de Guzman noong Martes ay nag-courtesy call kay Pasig Mayor Vico Sotto.

Binisita ng Partido Lakas ng Masa standard bearer, kasama ang kanyang running mate na dating Akbayan Rep. Walden Bello at Senatorial Candidate Luke Espiritu, si Sotto sa Pasig City Hall.

“Tiyak na magiging malaman at makabuluhan ang diskusyon ng dalawang lider-sosyalista,” sinabi ni De Guzman sa kanilang pag-uusap ng Pasig Mayor.

Bukod kay De Guzman, nag-courtesy visit din sina Vice President Leni Robredo at Sen. Panfilo Lacson kay Sotto, na tumatakbong muli sa halalan.

Gayunpaman, hindi gumawa ng anumang pampublikong pag-endorso sa anumang presidential o vice presidential bets si Mayor Sotto. Iginiit ni Sotto na gusto niyang dumistansya sa national politics.

Leave a Reply