By: Francis Pio
Sinimulan na ng Pamahalaang Lungsod ng Lapu-Lapu ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon Odette noong Linggo, Enero 16, 2022.
Sinabi ni Mayor Junard “Ahong” Chan na unang nakatanggap ng P5,000 financial assistance ay ang mga residente sa Olango Island.
“Dako akong kalipay kay nagmalampuson ang atong pag-distribute didto sa mainland Olango,” ika ni Mayor Chan
Nitong Lunes, Enero 17, 2022, ipinagpatuloy ng lungsod ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga residente sa mga islet barangay ng Pangan-an, Caohagan, at Caubian.
