By: Francis Pio
Ang Bolton Bridge I at II ay isinara sa mga motorista matapos sumiklab ang sunog noong Sabado ng umaga na sumira ng hindi bababa sa 20 bahay, kabilang ang mga barong-barong na itinayo sa ilalim ng tulay.
Sinabi ni Capt. Rose Aguilar, tagapagsalita ng Davao City Police Office (DCPO), sa isang ulat, na rumesponde agad ang mga awtoridad matapos may mag-ulat ng insidente sa Almond Street sa SIR Phase 1, New Matina.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga tauhan ng Sandawa Fire Station na nagsimula ang sunog na dulot ng “electrical ignition” sa tirahan ng isang Grace Bantayan Macuto 9:15 ng umaga at naapula makalipas ang mahigit isang oras bandang 10:38 a.m.
Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na gawa sa light materials. Tinatayang nasa P200,000 ang pinsala sa ari-arian at walang naiulat na nasugatan sa insidente.
