By Christian Dee
Ayon sa Department of Agriculture (DA), 762 ang bilang ng mga magsasaka ang naapektuhan dulot ng hagupit ng bagyong Paeng.
Naitala rin ng ahensya sa kanilang Bulletin No. 3 ang mahigit 1,900 ektarya na mga lugar ang naapektuhan ng nasabing bagyo kabilang ang mga probinsya sa MIMAROPA (Region IV-B), Bicol Region (Region 5) at Western Visayas Region (Region 6).
Umakyat naman sa halagang P49.54 milyon ang halaga ng napinsala ng bagyong Paeng sa agrikultura ayon sa DA nitong Linggo, Oktubre 30.
Ayon naman sa ahensya, ang mga sumusunod na tulong ay maaring makuha ng mga magsasaka at mga mangingisdang apektado ng pinsala:
- Rice, corn and assorted vegetable seeds
- Drugs and biologics for livestock and poultry
- Fingerlings and assistance to affected fisherfolk from Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)
- Survival and Recovery (SURE) Loan Program from the Agricultural Credit Policy Council (ACPC) with loanable amount of up to P25,000 payable in three years at zero interest
- Quick Response Fund (QRF) for the rehabilitation of affected areas