By: Margaret Padilla

Mariing sinalungat ng Malacañang ang pahayag ng pag-angkin ng bansang China sa Panatag o Scarborough Shoal (na kilala rin sa tawag na Bajo de Masinloc) at sa karatig katubigan nito. 

“Nananatili pa ring na nasa Pilipinas ang buong soberanya sa Bajo de Masinloc at sa territorial sea nito, gayundin sa sovereign rights at jurisdiction sa nakapaligid na EEZ (exclusive economic zone) at continental shelf,” sabi ni Acting presidential spokesperson Martin Andanar noong Martes sa isang press statement.

Ito ang naging pahayag ng palasyo pagkatapos sabihin ng tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry na si Wang Wenbin noong Lunes na ang China ang may soberanya sa Bajo de Masinloc at sa mga nakapaligid na tubig nito, “pati na rin ang sovereign rights at hurisdiksyon sa mga kaugnay na tubig.”

Bago ito, iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong weekend na noong Marso 2, 2022, isang barko ng Chinese Coast Guard (CCG) ang nakagawa ng “close distance maneuvering” patungo sa isa sa mga barko nito, ang BRP Malabrigo, sa Bajo de Masinloc.

Sa insidente, nagsasagawa ng maritime patrol ang barko ng Pilipinas sa lugar nang muntik nitong makagitgitan ang barko ng China. Tinatayang nasa dalawampu’t isang dipa ang layo ng dalawang barko.

Ngunit hinimok ni Wang ang PCG na “igalang” ang pag-aangkin ng China sa katubigan nito. Ipinaliwanag ng tagapagsalita ng China na makatwiran lamang ang aksyon ng CCG dahil ang pinagtatalunang bahagi ng tubig ay teritoryo ng China.

“Huangyan Dao is China’s inherent territory. Umaasa kami ng taimtim na igagalang ng mga barko ng Pilipinas ang soberanya, karapatan, at interes ng China, susunod sa batas sa bansa at internasyonal na batas ng China, at iwasang makialam sa patrol at pagpapatupad ng batas ng China Coast Guard sa mga nabanggit na karagatan,” aniya, gamit ang bansag ng China para sa Bajo de Masinloc. 

Leave a Reply