Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Gregorio Catapang bilang bagong director-general ng Bureau of Corrections.

Ito ay matapos maisapubliko ngayong Biyernes ang dokumentong galing sa Malacañang na may petsang Marso 23.

“Pursuant to the provisions of existing laws, you are hereby appointed DIRECTOR GENERAL, BUREAU OF CORRECTIONS, DEPARTMENT OF JUSTICE,” saad sa appointment paper para kay Catapang.

Si Catapang ang pumalit sa posisyon ni Gerald Bantag, na siyang sinuspinde noong nakaraang taon dahil sa pagkamatay ng isang inmate na si Jun Villamor sa loob ng New Bilibid Prison.

Nagsilbi ring dating hepe sa Armed Forces of the Philippines at officer-in-charge sa BuCor ang ngayong bagong talagang director-general.

Ayon sa tagapagsalita ng Department of Justice na si Mico Clavano, buong sinusuportahan ng ahensya ang pagkatalaga kay Catapang sa posisyon.

Leave a Reply