Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Isang trak ang umanong nawalan ng preno nitong Miyerkoles, Marso 22, sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue sa Quezon City, ayon sa salaysay ng drayber sa pulisya.

Ang nasabing 14-wheeler na trak, nakasagasa ng isang traffic enforcer ng Quezon City Traffic and Transport Management Department, ayon sa ulat ng TeleRadyo.

Sinubukang dalhin sa ospital ang nasagasaang 35-anyos na traffic enforcer na si Jeffrey Antolin ngunit idineklara ring dead on arrival.

Kuwento ng isa pang traffic enforcer, malayo pa lamang ay pinahihinto na nila ni Antolin ang trak noong inaalalayan nila ang mga tumatawid.

Dumiretso pa rin ang naturang sasakyan na siyang nakasagasa sa biktima.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang drayber ng trak.

Samantala, ang mga kaanak ng biktima ay humihingi ng hustisya sa nangyaring insidente.

Ikinakasa naman ng traffic sector 1 ng QC Police District ang forensic examination at technical inspection.

Leave a Reply