Mahigit isang daang mananahi ang kailangan ng lungsod ng Maynila upang manahi ng isang milyong face mask para sa mga frontliners at bawat mamamayan sa lungsod.
Ayon kay Mayor Isko Moreno sila ay nakaisip ng livelihood program na makakatulong sa residente ng lungsod ng maynila ngayong may kinakaharap napandemya. Hindi lamang sa residente kundi sa mga frontliners din. Ang pondo na nakuha nila ay galing sa mga cash donations sa lungsod.
Hindi lang mananahi kundi kailangan din nila ng 20 mastercutter ayon sa public employment service.
Ang pamhalaang lungsod ay bumili ng 50 sewing machine at ngayon ang mga ito ay nasa Unibersidad de Manila para gamitin sa livelihood program.
Pwedeng mag apply ang kahit na sinong residente ng maynila basta’t may alam sa pananahi at nasa tamang edad para makapag trabaho. Maaaring kumita ng dalawang libo kada araw ang mga matatanggap.
Maaaring mag pasa ng resume sa pesomanila.mananahi@gmail.com