Share:

Maraming commuters ang nahirapan at ininda ang kakulangan ng masasakyan at lakas ng ulan  nitong Huwebes ng umaga, June 11.

Karamihan sa kanila ay nag-aabang ng bus na masasakyan ngunit limitado lamang ang bilang ng bus na pumapasada at kakaunti rin ang makakasakay rito dahil sa mga itinaas na hakbang pangkalusugan ng mga awtoridad.

Sa lakas ng ulan, hindi nag-patinag ang mga pasahero kaniya kaniyang diskarte parin sa masisilungan habang nag aantay ng masasakyan.

Karamihan sa mga ito ay sumisilong sa ilalim ng footbridge at ang iba naman na nag-bibisekleta ay nakasuot ng kapote at sinuong ang malakas ng ulan upang makapasok sa kanilang trabaho.

Leave a Reply