Share:

Timbog sa mga pulis ang dalawang baguhang tulak ng droga na nakuhanan ng nag-kakahalagang P66,000 na shabu sa buy bust operation nitong Lunes ng gabi, Hunyo 8.

Ayon kay Lieutenant Colonel Romulo Albacea, Lucena police chief na ang anti-narcotic agents ay dinakip sila Randy Rivera, 43 years old, at Perly Cuerdo 34 years old matapos mag benta ng isang sachet ng shabu sa isang police undercover sa Barangay Kanlurang Mayao, Lunes ng gabi.

Nakuha ng mga awtoridad ang 13 plastik sachet ng shabu na may timbang na 9.8 grams na nag kakahalagang P66,400.

Leave a Reply