By Frances Pio

Tiniyak ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na lalabanan niya ang katiwalian sa gobyerno habang nangakong isusulong ang mas mahusay na revenue collection.

Sa isang briefing nitong Huwebes, tinanong si Marcos tungkol sa kanyang mga marching order para sa kanyang mga appointees sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) pagdating sa paglaban sa katiwalian. Binigyang-diin niya na “there should not be any place for corruption,” na aniya ay naging endemic sa ilang bahagi ng gobyerno.

“Corruption? Kalimutan na lang natin ‘yung nakaraan….Ngayon ako na namamahala, so wala nang ganyan,” sinabi niya. “Kung mayroon pang ganyan hahabul-habulin talaga namin kayo.”

Nilinaw ni incoming Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na hindi ibig sabihin ni Marcos ay malilinis ang mga may nakabinbing kaso ng katiwalian.

“Pending cases will continue because they are pending,” ipinunto niya.

“I think the approach as he had expounded in previous interviews is simply not to concentrate too much on fault finding, not in the sins of the past, because in his words ‘Ako na ang namamahala ngayon’,” dagdag pa niya.

Leave a Reply