Share:

Nais ni Senadora Grace Poe na mas pabilisin at palawakin ng gobyerno ang isinasagawang COVID-19 vaccination program kasabay ng pagluluwag sa ipinapatupad na quarantine restrictions, unti-unting pagbabalik ng face-to-face classes, at pagbabalik ng mga aktibidad pang ekonomiya.

“Ang pagpapalawak ng vaccination program ay hindi lamang makakapagsalba ng mga buhay kundi makatutulong rin para maibsan ang mga lockdown upang mapanumbalik ang mga trabaho at ekonomiya,” ani Poe.

“Ang kailangan ngayon ay mas malakas pang kampanya para mahikayat ang publiko na tangkilikin ang mga bakuna na mayroon tayo,” dagdag pa niya.

Ayon sa Senadora, inaasahan ng taumbayan na mas pag-iibayuhin ng mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan ang isinasagawang kampanya sa pagbabakuna upang maabot ang mga komunidad na kinakailangang mabakunahan ngayong panahon ng pandemya.

“Dapat maramdaman ng ating mga kababayan ang pangangalaga ng maaasahang sistemang pangkalusugan kahit saan man nila naising magpabakuna para maproteksiyunan sila at kanilang mga pamilya,” pagdiin ni Poe.

(By: Aj Lanzaderas Avila)

Leave a Reply