Nais simulan ng DOTr sa second quarter ng 2022 ang 100-kilometer Tagum-Davao-Digos segment ng Mindanao Railway Project.
Ayon kay DOTr Assistant Secretary Eydmard Eje, ang 100-kilometer segment ng Tagum-Davao-Digos segment ay nakalaang tapusin mula first quarter ng 2022 hanggang third quarter.
Ayon kay Asec. Eje, “Right-of-way acquisitions and clearing by the fourth quarter of 2021 [while] the procurement stage from the fourth of 2021 to the first quarter of 2022″.
Ang kontrata naman ay iginawad sa the Consortium of China Railway Design Corp. at Guangzhou Wanan Construction Supervision Co. Ltd.
Sinabi ni Eje bilang management consultant ng proyekto para sa unang yugto ng proyekto, tutulungan ng China Consortium ang Mindanao Railway Project Management Office (PMO) sa paghahanda at pamamahala sa pangkalahatang programa ng pagpapatupad ng proyekto. (By: Francis Pio)