Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Martes, Enero 10, sinabi ni Department of Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople na humiling ng mas maraming oras ang Ministry of Human Resources and Social Development para ayusin ang mga sahod ng mga Pilipino sa Saudi Arabia na hindi pa nababayaran.

Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni Ople na dapat ay pupunta siya sa Saudi Arabia ngunit hindi ito natuloy dahil sa hiling ng “counterpart” na ahensya sa naturang bansa.

“‘Yung sa unpaid salaries, dapat sana December kami tutuloy, but upon the request of the Ministry of Human Resources and Social Development o MHRSD, ‘yun ang aming counterpart sa Saudi Arabia, they requested for more time to arrange our visit dahil ‘yung sa unpaid claims, hindi pala sa kanila ‘yun nakaatang. So they wanted time for… certain arrangements to be made so when I go there I will be able to meet with the right person in the Office of the Crown Prince,” aniya.

Ayon kay Ople, sa kanilang napagkasunduan, ang “unpaid claims” ay ang una sa kanilang agenda.

Umaasa ang kalihim ng DMW na makukuha niya ngayong linggo ang kanyang itinerary para sa pagpunta sa Saudi Arabia.

Tumanggi naman ang kalihim na magbigay ng impormasyon tungkol sa magkano ang makukuha ng mga Pinoy. ((PNA photos by Alfred Frias/Rey Baniquet))

Leave a Reply