Share:

Target ng pamahalaan na makapagbakuna na ng mga minor na nasa edad 12 hanggang 17 na taong gulang. Nais itong masimulan sa kalagitnaan ng Oktubre.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, nais ng pamahalaan mabakunahan ang 12 milyong kabataan sa kalagitnaan ng Oktubre. Samantalang ayon kay Metropolitan Manila Authority Development Chairman Benhur Abalos, naghihintay pa ang mga lungsod sa NCR ng guidlines mula sa IATF.

“But, ito’y malaking but, habang naghihintay tayo dito, ang mga mayors ng Metro Manila ay nagpapa-preregister na ng mga bata, just in case ito’y maaprubahan o mabigyan agad ng go signal,” pahayag ni Abalos.

Leave a Reply