By: Frances Pio

Dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas, lahat ng klase sa rehiyon ay suspendido simula ngayong araw, Enero 24 hanggang Enero 31.

Ang Department of Education sa rehiyon (DepEd-7) ay naglabas ng Regional Memorandum No. 052-2022, na may petsang Enero 20, 2022, na nagdedeklara ng suspensiyon ng mga klase sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3.

“Due to the increasing number of COVID-19 cases in the entire Region and the effects of the onslaught of Typhoon Odette, this Office is announcing the suspension of classes in areas under Alert Level 3 within the Region from January 24 to January 31, 2022,” ayon sa memorandum.

Sakop din ng pagsususpinde ang mga synchronous at asynchronous classes.

Ipinag-utos din ng DepEd-7 ang pagpapaliban sa pagsusumite ng mga academic requirements at pagsasagawa ng iba pang aktibidad na may kinalaman sa pagtuturo.

Samantala, ang mga pribadong paaralan ay binibigyan ng diskresyon kung sususpindihin o hindi ang kanilang mga klase, basta’t kinunsulta ang mga magulang sa usapin.

Leave a Reply