Dumagsa sa isang mall sa Lungsod ng Antipolo ang mga gustong magparehistro ngunit inabot pa rin ng cut-off. Pumalibot sa labas ng mall ang mga tao sa dahil sa dami ng hindi nakaabot.
Kahit na alas-8 ng umaga ng Miyerkules, Setyembre 29, ang pagbubukas ng registration ay alas-10 pa lamang ng Martes ng gabi ay nakapila na ang mga tao. 100 tao lamang kasi ang tinatanggap kada araw ang puwedeng magparehistro.
Sinabihan ang mga tao na maaring bumalik kinabukasan dahil mahigipit na pinatutupad ang “first come, first serve” policy sa voter registration.
Ngayong araw ay inanusyo na ng Comelec ang pagpapalawig ng voter registration sa bansa para sa Halalan 2022. Magsisimula ang registration sa 11 ng Oktubre hanggang 31. (By: Frances Pio)