Inanunsyo ng Malacañang na inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang pagbabakuna para sa lahat. Nais nilang simulan ang pagbabakuna ngayong Oktubre.
Kasama rin sa naaprubahan ay ang pagbabakuna sa mga minor de edad mula 12 hanggang 17 taong gulang. Nais nilang simulan ito sa kalagitnaan ng Oktubre.
Pinahintulutan ang pagbabakuna ng general population dahil sa pagdami ng mga bakunang pumapasok sa bansa ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. “We will start the vaccination of the general population in October. It has been approved by the president upon the advice of vaccine czar Carlito Galvez,” ayon kay Roque. (By: Frances Pio)
